By: Savanna Blake S. Lopez of Grade 7E – Galilei

Ang pag-aalaga sa ating kalikasan ay para sa magandang kinabukasan.
Ang mga bulaklak at halaman ang ating mga kaibigan.
Sila ay dapat mahalin at alagaan.
Ang mga puno ang naglilinis ng ating hangin,
kaya huwag natin itong pabayaan.
Tubig ay linisin at huwag aksayahin,
upang may magamit tayo na malinis na inumin.
Ang ilog at dagat ay ating yaman,
huwag nating basta dungisan.
Basura’y itapon sa tamang lagayan,
upang ang mundo ay laging malinis tignan.
“One of the selected writers for April, highlighting the theme: Earth, Environment, and Responsibility.”
