Isinulat ni Patrick Ursolino
“NAHANAP”
Sa pabugso-bugsong ambon na bitbit ng magulong panahon, nahanap kita.
Nahanap kita sa gitna ng mga taong nakapayong, nandoon ka,
sa gitna, nag-lisa;
hindi alintana ang pagtila ng mga pagpatak na bumabasa-
ang langit na walang tigil sa pagluluksa sa mga nanlalamig nating kaluluwa; natagpuan kita,
sa gitna ng mga tanong sa puso ko na hindi mahinahon, nahanap kita, aking sinta.