Isinulat ni Nika R. Palomaria
“SAY”
Mga tinig mo’y aking kinabaliwan,
Mga ngiti’y mo’y hindi makalimutan, Bawa’t pag bigkas nang iyong pangalan puso ko’y may nararamdaman, Higpit ng iyong mga yakap ay akin paring nararamdaman, Mapupungay mong mga mata, ako’y naakit na.
Ang aking tanging panalangin ay makasama ka sa habang buhay, Ngunit parang ito’y mali? Sa bawa’t sigundo na ika’y kasama hindi alam kung ito’y tama? O sadyang ako ang mali, Aking sinta tama man o ito’y mali ang aking pag-ibig sayo ay tunay at tapat.
Ang pag ibig ko sayo’y tila’y parang langi’t, lupa marahil ika’y isang anghel na bumihag saaking mga mata’t puso at ako ang demonyong napa-ibig sayo.
Sa bawa’t saya, lungkot at galit ako’y iyong makakasama.
At sa aking bawa’t pag pikit ikaw lamang ang aking nakikita, Bawa’t luha na pumapatak saaking mga mata’y takot na aking nararamdaman na baka ika’y mawala.
Ang aking puso’y walang ibang laman kundi iyong pangalan, At sana’y sa bawa’t salita na aking binibigkas ito’y iyong ma-ibigan, Dahil ito’y galing sa aking puso’t isipan.
Aking Sinta ikaw lamang ang aking tinatangi.