Isinulat ni Patrick Ursolino
“NAWALA”
Aking sinta,pagka kita ko sa iyong mga mata ako’y nahulog sa kailaliman ,
Sa iyong kagandahan ang puso kong hindi kayang tumahan, nung nakita kita sa gitna ng ulan ako’y napatigil sa aking pag hinga dahil sa ganda mo na makapigil hininga.
Hindi kaman perpekto sa paningin ng iba pero sakin isa kang diyosa , hinahanap ka sa araw at gabi,
Hindi mapakali ang aking sarili pero ang tanong ko lang ay tayo ba talaga ang tinadhana? Dahil nakita kita na may kasamang iba na hindi ko inaakala,
Siya pala ang nag papasaya sayo at hindi ako, paulit-ulit umaasa na magiging sa’yo yun pala pinapaasa mo lang ako, paet at pighati ang aking naramdaman,mata kong hindi kayang tumahan sa kakaluha, ganon kaba kabilis magsawa?
Agad-agad bumibitaw sa pangako mong pang habambuhay, ikaw pala ang unang sasambit sa kwento natin na wala ng katuloy at napadpad lang pala sa ganito,
Pero salamat parin dahil pinasaya moko kahit papaano.