Isinulat ni John Carl Arellano
“Biyayang Panaginip”
Malaya Tayong, umibig
Sadyang Ikaw, Ang inibig
Sakin, ika’y biyaya
Na nagdudulot Ng ligaya
Kung ikay, panaginip
Sana’y, ‘di nalang magising
Higit pa sa hiniling
Ikaw sagot sa aking mga panalangin
Pagibig ko sayo’y tunay
Sa buhay, na nakakaumay
Ikaw,Ikaw,ikaw ang nagsisilbing kulay
Ika’y tulay, para matiwasay akong mamuhay
Taong dumating, na di inaasahan
Ako’y nahuhulog, ng di namamalayan
Tila, isang mala anghel
Wala sayong makakalebel
Liwanag, na iyong dala
Ika’y, nagsisilbing Tala
Sa ilalim Ng buwan
Ikaw, ang aking tahanan
Mula sa pagsikat Ng araw
Ikaw, agad bumubuo sa aking araw
Ikaw yung binibini, na gusto makasama sa pang araw araw
Hatid mong ilaw
Masayang bukas aking tanaw
Ang Ibigin kay di maling galaw
Kaya’t di Ako bibitaw
Ika’y, mala mapa
Sa piling mo’y di maliligaw
Oh paraluman, kelan ka ba mahahagkan
Nilalaman Ng puso ko, Ikaw lang
Kasiyahan, kapag kasama
Kaligayahan, kapag nahagkan
Isang Daan apat napot tatloong taon may lumipas
Ang pag ibig ko sayo’ di kukupas
Isa, apat, tatlo pagibig ko sayo’y ibibigkas
Ang pagibig ko sayo’y wagas
Hiling na masilayan at mahagkan
Nilalaman Ng puso huwag lumisan Ikaw Yung biyaya na akala ko’y Hanggang panaginip na lang