By Julianna Bisda

Sa araw ng Oktubre 26, 2023, Nanalo ang estudyanteng si Maria Elisabeth S. Evascosa paligsahan na, Filipino Spoken Word Poetry at ang Tema nito ay “Pagmamahal”, Inihandog at Iprinisinta niya ang tagos-pusong tulang puno ng katanungan at ito na ang simula ng kaniyang tula:

Sinabi mo na maganda ako, na ako’y isang perpektong babae, perpektong tao. Sinabi mo na napakalambot ng mga kamay ko, na kaya mong hawakan sa habang buhay mo. Sinabi mo na ang labi ko ay napakaganda, na ang mga rosas ay kasing kulay niya. Pero alam kong hindi ako maganda… na lahat ng iyong sinasabi ay mga maling paniniwala. Hindi ako naniniwala.

Sa unang taludtod, ito ay tungkol sa isang taong ayaw maniwala sa mga sinasabi sakaniya ng taong mahalaga sa buhay niya, hindi maiiwasan na may mga oras na katakataka o kaduda-duda ang mga sinasabi saatin ng mga taong mahalaga satin, minsan sa buhay may mga bagay na mahirap paniwalaan kaya’t humahantong tayo sa mga katanungan na kung saan minsan alam na natin ang sagot.

Sinabi mo na mahal na mahal mo ako, labis ng husto. Pero mamahalin mo pa ba ako kung ang isip ko ay katulad ng bagyo? Sinabi mo na “Wow! Napaka talino mo!” Talaga ba? O binobola mo lang ako? Hindi ako matalino. Kasi katulad ng ibang tao ako’y may mga tanong dahil sa mga walang katapusang bumubulong. Andaming tanong, Andaming tanong! Kaya ikaw ay aking tinanong. Tiningnan kita sa iyong mga mata, ang bintana ng ating kaluluwa, “What if meron ka nang iba?” At ako’y napatawa sa iyong sagot, “What if lang naman yan, hindi yan totoo.” At ang aking pagkakamali ay pinaniwalaan ko ito.

Sa pangalawang taludtod na ito ay ipinahiwatig ni Maria Elisabeth kung kaya mo bang magmahal ng taong mahirap intindihin? Ipinakita niya rin na maraming bumagabag sakaniyang isipan, na siyang nagpapalito sakaniyang damdamin ngunit may mga hinala siya na nagkatotoo, hindi maiiwasan ng isang tao ang mga tinatawag nating “what if’s” dahil dito natin mararamdaman na kung may mali na ba o kung sobra na.

Pero hindi nagtapos doon ang mga tanong mas lalong lumakas ang bagyo sa aking ulo at tinanong ko ang sarili ko, “What if may iba na siyang gusto?” Pero “What if” lang naman ito. “What if may iba nang nagpapatawa sakanya?” Pero “what if” lang ito at hindi ito totoo!

Sa pangatlong taludtod na ito mas lumala ang mga bumabagabag sakaniyang isipan na siyang nagpapalito sakaniyang damdamin, ipinapakita rin na may takot ang kaniyang puso na sumaya ang taong mahal niya sa iba.

Ikaw ay aking pinaniniwalaan at pinagkakatiwalaan. Kaya sana ang iyong mga salita ay hindi mo bibitawan pero ito ay iyong binitawan! Ang mga “What if mapagod siya sa kakahawak ng aking kamay?” Ang mga “what if” na sana’y hindi mangyari ay nangyari sa totoong buhay. Na dati ay sinabihan mo akong maganda, ngayon ay hawak-hawak mo na ang kamay ng iba. na dati ay ang mga halik mo ay akin, pero ngayon ay hindi ko na kayang maangkin. na dati ako ay iyong pinapatawa pero ngayon puro patak ng luha kasi pinapangiti mo na ang iba. Pero “What if” lang naman diba?… Pero nakakatawa kasi ang “What if” ay dalawa lang na salita pero kapag ito’y naging totoo…nakakasira ng kaluluwa.

Sa pangapat na taludtod na ito ay unti-unti ng nawawala ang kaniyang saya ng dahil sa pagbitiw ng kaniyang giliw na siyang ikinasira ng kaniyang kaluluwa at mundo,  ang “What if” ay dalawa lang na salita pero kapag ito’y naging totoo…nakakasira ng kaluluwa” ano nga ba talaga ang ibig sabihin nito?, Ibig na ipahiwatig ni Maria Elisabeth na kahit ito ay isang katanungan na galing sa hinala ito’y masakit kapag tama ang hinala ng taong puno ng katanungan na galing sa puso’t isipan. Tuwing tayo ay magmamahal hindi nawawala ang posibilidad kung siya ba ay mananatili sa piling mo o aalis ba siya sa piling mo upang maramdaman ang saya sa iba na hindi niya maramdaman saiyo, ngunit hindi ito sapat na dahilan upang ika’y manakit ng taong nagmamahal sayo.

Sinabi mo na ako’y maganda pero sana hindi nalang ako naniwala. Kaso hindi ako nagagalit na iniwan mo ako, alam ko na kaya akong iwan ng kung sino-sino, nagagalit ako sa sarili ko dahil naniwala ako sa iyong mga kasinungalingan imbes na yung mga “what if” na walang katapusan. At sa simula palang, ang aking kinatatakutan ay “What if ang mga “what ifs” ay hindi lang “what if” at yun nga ang naging katotohanan.

Sa panghuli o panglimang taludtod na ito namulat siya sa realidad na hindi lahat ng nararamdaman, nakikita o naririnig ay totoo dahil kung minsan kahit galing ito sa bibig ngunit hindi bukal ang kaniyang kalooban para sayo, na kahit minsan ang mga binibitawang niyang salita ay ubod ng tamis ngunit ito’y may halong kasinungalingan na pagiging dahilan ng ikakasakit ng taong nagpapahalaga sayo kaya’t hindi natin maiiwasan ang mga babumagabag na tanong o hinala saating isipan dahil ito’y nararamdaman ng ating puso at kaluluwa.